Senado, pinakikilos ang DOJ at PNP sa mahigpit na pagpapatupad ng batas sa statutory rape

Umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Justice (DOJ) at sa Philippine National Police (PNP) na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa statutory rape upang mabawasan ang teenage pregnancies sa bansa.

Iginiit ni Zubiri na nakaaalarma ang mga impormasyon na may mga nabubuntis na batang babae na 11 o 12 taong gulang ng mas nakatatandang lalaki.

Ipinaalala ng Senate leader na statutory rape na maituturing ang pakikipagtalik sa 16-year-old pababa kahit pa may “consent” o pahintulot ito ng babae.


Partikular na nanawagan si Zubiri kina Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at PNP Chief Rodolfo Azurin na dapat full force ang pagpapatupad ng batas at ikulong ang lahat ng sexual predators.

Binigyang-diin ng senador na “heinous crime” o karumal-dumal na krimen ang statutory rape kaya’t wala nang kwestyon ang kailangang pagpaparusa sa mga lalabag sa batas na ito.

Facebook Comments