Senado, pinatitiyak sa DepEd at DOH na mayorya ng mga guro at estudyante ay bakunado na bago pa ang nakatakdang face-to-face classes

Pinatitiyak ni Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH) na gawin ang lahat ng mga hakbang para maprotektahan ang mga mag-aaral at mga guro laban sa COVID-19 ngayong pagbabalik sa face-to-face classes.

Maliban sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols at paglalagay ng sapat na handwashing at sanitation facilities, nanawagan din si Gatchalian sa DOH at sa DepEd na siguruhing marami na sa mga guro at mga estudyante ang nabakunahan laban sakit lalo na ang mga eligible para sa booster shots.

Giit ni Gatchalian, mahalagang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro upang hindi masayang ang dalawang taon na paghihintay para sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.


Mababatid na unang isinulong ni Gatchalian ang ‘school-based vaccination’ para mai-promote ang ligtas na pagbabalik sa klase.

Iginiit din ng senador ang malaking hamon na mabakunahan ang mga learners na edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Batay sa datos ng DOH National Vaccination Operations Center, nasa 26.94% lang ang mga batang edad 5 hanggang 11 ang fully-vaccinated habang ang mga batang edad 12 hanggang 17 anyos ay 76.41% pa lang ang fully-vaccinated.

Facebook Comments