Presyo ng LPG, Auto LPG, tataas mamayang gabi

Magpapatupad ng taas-presyo sa liquified petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis, epektibo mamayang alas-10:00 ng gabi, November 1.

Sa abiso ng Petron Corp., P3.50 ang itataas sa presyo ng kada kilo ng LPG habang P1.96 naman sa Auto LPG.

Kaparehong dagdag-presyo sa LPG ang ipatutupad ng Phoenix LPG Phils. Inc. habang P1.95 sa kanilang Auto LPG na epektibo naman mamayang alas-11:00 ng gabi.


Mas mataas naman ang increase sa Solane-branded LPG na nasa P3.55 kada kilo pero bukas pa ito ipatutupad, November 2, sa ganap na alas-6:00 ng umaga.

Paiiralin naman ang price freeze sa mga lugar na nakasailalim sa state of calamity.

Facebook Comments