Senado, planong iakyat sa Korte Suprema ang bagong travel guidelines ng IACAT

Nagbanta ang Senado na dudulog sa Korte Suprema kapag hindi nakinig ang Inter-Agency Council Against Trafficking o IACAT sa panawagan na isuspinde muna ang implementasyon ng kanilang bagong travel guidelines para sa mga Pinoy na babyahe sa abroad.

Hinimok ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga senador na maghain ng petisyon sa kataas-taasang hukuman kapag binalewala ng IACAT ang kanilang panawagang isuspinde muna ang bagong travel guidelines upang mapag-aralan.

Kinatigan ni Senate President Juan Miguel Zubiri at ng lahat ng mga senador ang rekomendasyon ni Pimentel.


Dahil dito, isang resolusyon ang inaprubahan kagabi sa sesyon ng mga senador na nagsasaad na binibigyang otorisasyon ang buong kapulungan ng Senado para magpetisyon sa Korte Suprema gayundin ang panawagan sa IACAT na suspendihin at rebisahin ang bagong travel guidelines.

Kapwa iginiit nina Zubiri at Pimentel na paglabag sa Konstitusyon at sa ‘right to travel’ ng mga Pilipino ang nasabing bagong patakaran sa mga Pinoy na babyahe sa labas ng bansa.

Facebook Comments