Mga lugar na binabaha sa Maynila, ininspeksyon ni Mayor Lacuna

Ininspeksyon ni Manila Mayor Honey Lacuna ang ilang mga lugar sa Maynila na kasalukuyang binabaha.

Ito’y para personal na makita at malaman ang sitwasyon sa buong lungsod.

Isa rin sa gustong malaman ng alkalde ang mga hakbang na ginagawa ng ilan nilang tanggapan.


Maging ang plano o solusyon para maibsan ang pagbaha ay nais na pag-aralan ng alkalde kung saan inaasahan niya na ligtas ang bawat Manileño.

Bukod dito, inanunsyo rin ng alkalde na suspendido na ang operasyon ng Manila Zoo dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ang mga nakabili naman na tiket para sana ngayong araw ay inabisuhan na magagamit pa rin nila ito sa loob ng isang linggo.

Facebook Comments