Senado, planong irekomenda na pakawalan agad ang mga pinalaya na kwalipikado sa GCTA pero kusang sumuko

Maaring irekumenda ng Senado sa Department of Justice (DOJ) na agad na pakawalan ang mga pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA pero kusang sumuko.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ito ay kung makikita na talagang kwalipikado sa GCTA ang pinalayang inmate ng Bilibid kahit nagbayad man o hindi ito sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ang plano ni Sotto ay kasunod ng impormasyon na may mga napalayang sentensyado sa Bilibid ang mahina na at maliit naman ang kaso.


Napilitan silang sumuko dahil sa deadline na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang kahapon kung saan ituturing nang pugante ang mga hindi susukong pinalaya dahil sa GCTA.

Facebook Comments