Senado, planong ituloy ang pagdinig ukol sa mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa bansa

Manila, Philippines – Plano ng Senado na ituloy ang pagdinig hinggil sa mga banyagang manggagawa sa bansa matapos matuklasan na siyam sa sampung illegal foreign workers sa Pilipinas ay nagmula sa China.

Ito ay matapos ang pahayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na 95 percent ng kanilang mga naaresto ay mga Chinese nationals.

Sa 167 foreign nationals na naaresto at nakasuhan sa korte dahil sa iba’t ibang krimen, 159 sa mga ito ay kinakasangkutan ng mga Chinese national.


Kasama sa mga nasampahan ng kaso ng NBI ay anim na indibiduwal mula sa Taiwan, isang Korean at isang Liberia.

Umabot naman sa 114 indibiduwal mula sa China ang naaresto dahil sa iligal na online gambling.

Giit ni Senator Joel Villanueva, sa patuloy na pagdagsa ng mga illegal foreign workers sa bansa ay tila hindi pinapahalagahan ng ilang opisyal ng gobyerno ang probisyon sa konstitusyon na nagbibigay sa mga manggagawang Pilipino.

Facebook Comments