Senado, sisikaping itakda ng mas maaga ang pagdinig sa mga kaso ni Pastor Apollo Quiboloy

Walang takas sa Senado si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, pipilitin nilang maitakda nila hangga’t maaga ang susunod na pagdinig sa Senado tungkol sa mga pang-aabusong ginawa ni Quiboloy.

Sinabi ng mambabatas, oras na mai-schedule ang petsa ng susunod na pagdinig kay Quiboloy ay susulat siya agad sa korte para matiyak na makadadalo ang pastor sa susunod na pagdinig.


Dagdag ni Hontiveros, marami silang itatanong kay Quiboloy partikular na sa pagre-recruit ng kanyang mga mananampalataya gayundin sa mga krimen na ginawa nito sa mga kababaihan, kabataan at kalalakihan ng KOJC.

Bubusisiin din ang mga iligal na aktibidad ni Quiboloy sa ibang bansa na naging daan para suntentuhan ang marangyang pamumuhay nito.

Facebook Comments