Senado, target na magsagawa ng pagdinig sa CHA-CHA kada linggo

Sisikapin ng Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na magsagawa ng pagdinig kada linggo para sa Resolution of Both Houses No. 6 o ang pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Subcommittee Chairman Sonny Angara, target nila na makapag hearing kada linggo hanggang matapos at maging komprehensibo ang pagtitibayin nilang panukala para economic Cha-Cha.

Muli ring tiniyak ni Angara na limitado lang sa economic provisions ang kanilang tatalakayin at hindi kasama ang anumang panukalang amendments sa political provision ng saligang batas.


Hindi aniya ito tulad ng isinusulong na People’s Initiative para sa Cha-Cha na walang limitasyon ang gagawing pag-amyenda sa Konstitusyon sakaling magtagumpay ang voting jointly at maisasantabi ang Senado.

Nakatakda na sa Lunes ang pagdinig sa Cha-Cha sa Mataas na Kapulungan.

Facebook Comments