Senado, tiniyak na hindi ire-railroad ang economic Cha-cha

Tiniyak ni Senator Grace Poe na hindi i-re-railroad o hindi mamadaliin ng Senado ang pagapruba sa panukalang economic Charter Change (Cha-Cha).

Ito’y matapos na maisumite ng Kamara sa Senado ang bersyon nila ng inaprubahang Resolution of Both Houses No. 7.

Ayon kay Poe, palagi naman nilang ikinukunsidera ang prayoridad ng Mababang Kapulungan magkagayunman, hindi naging tradisyon sa Senado na madaliin ang pagpasa sa isang panukala.


Lahat aniya ng panukala ay masinsinang pinagdedebatehan at isinasailalim din ito sa konsultasyon ng mga stakeholders.

Sinabi ni Poe na ito man ay panukalang Constitutional amendment o legislative franchise, inuuna palagi ng Mataas na Kapulungan ang mga panukalang mas kailangan ng bansa at ang taumbayan talaga ang nagtatakda ng deadline dito.

Facebook Comments