Pulis sa barangay, tututukan ang mga bahay na iiwan ng mga magsisipagbakasyon ngayong Semana Santa

Hindi lamang ang mga major transportation terminals, areas of convergence, tourist spots at simbahan ang tututukan ngayong Semana Santa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo kanilang pinagana ang pulis sa barangay.

Aniya, magsisilbing team leader ang mga pulis katuwang ang mga barangay tanod na mag iikot sa bawat barangay upang matiyak na magiging ligtas ang mga iiwang tahanan ng mga magsisipagbakasyon nating mga kababayan.


Ani Fajardo, malaking tulong ang mga force multiplier tulad ng mga barangay tanod sa pagroronda sa mga barangay upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad.

Kasunod nito mulig nagpaalala ang PNP sa mga bakasyonista upang hindi mabiktima ng kawatan.

Facebook Comments