Senado, umaasang sesertipikahang urgent ni Pangulong Marcos ang panukalang pagtatatag ng water department

Umaasa si Senator Grace Poe na masusundan ng sertipikasyon mula sa pangulo ang panukala para sa pagtatatag ng Department of Water Resources Management.

Kaugnay na rin ito sa ikalawang SONA ng pangulo kahapon kung saan isa ang pagtatatag ng Department of Water Resources Management sa mga nabanggit na kailangang aksyunan ng Kongreso.

Ayon kay Poe, umaasa siyang ang pagtutulak na maisabatas ang pagkakaroon ng water department ay maging hudyat para sertipikahang urgent ito ni Pangulong Bongbong Marcos.


Sinabi pa ng senador sa mga kasamahang mambabatas na samantalahin ang pagkakataon sa marching order ng presidente na tuluyang maipasa ang panukala.

Giit pa ni Poe, ang isyu sa tubig ay nangangailangan ng seryosong atensyon at nagkakaisang pagtutulungan mula sa gobyerno.

Babala ni Poe, mabuting umaksyon na ngayon at huwag nang hintaying lumala ang krisis at problema sa tubig sa bansa.

Facebook Comments