Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go ng pagpapalakas ng ugnayang lokal at pandaigdigan upang matulungan sa pag-unlad ang bansa sa gitna ng krisis sa pandemya.
Ang panawagan ng senador ay kaugnay na rin sa 3-day parliamentary visit kasama ang ilang mga mambabatas ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Binigyang diin ni Go na mahalagang pagtibayin ang ugnayan sa ibang bansa upang matukoy ang mga bahagi na kailangang pagtulungan tungo sa katuparan ng mga pambansang layunin.
Positibo ang senador na ang pagbisita sa France ng mga mambabatas sa Pilipinas ay magpapalakas sa relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Go, higit lalo ngayon na maraming nagbukas na oportunidad para sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa mga usapin tulad ng sustainable energy, climate change, economic growth, at food security.