British singer na si Ed Sheeran, magpapahinga muna sa paggawa ng kanta hanggang sa susunod na taon

Inanunsyo ng British singer na si Ed Sheeran na magpapahina muna ito sa spotlight hanggang sa susunod na taon.

Ito ang inanunsyo ni Ed sa kaniyang mga social media accounts kahapon.

Makikita sa post ang litrato niyang nakatanaw sa dagat habang nakatayo sa isang malaking bato.


Ayon sa singer, magsa-sign off muna siya hanggang 2023 at magbabalik din pagkatapos ng kaniyang pansamantalang hiatus.

Kilala si Ed Sheeran sa mga kantang Shape of You, Thinking Out Loud at Perfect.

Facebook Comments