Senado, wala pang itinatakdang imbestigasyon ukol sa estate tax ng pamilya Marcos

Hanggang ngayon ay wala pang itinatakda ang Senado na imbestigasyon ukol sa umano’y hindi pa nabayarang estate tax ng mga Marcos na umaabot na sa mahigit P203 bilyon.

Ayon kay Pimentel, tatlong komite ang maaaring mag-imbestiga sa usapin.

Kinabibilangan ito ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, Committee on Ways and Means na pinamununuan ni Senator Pia Cayetano at Committee on Finance na pinamumunuan naman Senator Sonny Angara.


Binanggit ni Pimentel na nakadepende sa availability ng mga chairman ng naturang komite ang pagsisimula ng imbestigasyon.

Sakaling maikasa na ang pagdinig ay sinabi ni Pimentel na kanilang ipapatawag ang kasalukuyan at mga dating commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Diin ni Pimentel, dapat ipaliwanag ng mga namuno sa BIR kung bakit hindi nakolekta ang naturang buwis sa kabila ng utos ng Korte Suprema at atas ng mga umiiral na batas.

Facebook Comments