Kanselado na ang pasok ng mga empleyado sa senado bukas, Martes dahil sa lindol na naganap kaninang alas-5:11 ng hapon.
Ito ang ipinag-utos ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na syang tumatayong officer in charge habang nasa labas ng bansa si Senate President Tito Sotto III.
Sabi ni Recto, ang kanyang pasya ay kasunod ng report na kanyang natanggap na nagkaroon ng crack o pinsala sa ibat ibang bahagi ng gusali ng senado na isinailalim sa shutdown o isinara simula kaninang alas-sais ng gabi.
Ayon kay Recto, magsasagawa bukas ng inspeksyon sa buong gusali ng senado ang Office Of The Senate Sergeant At Arms o OSAA.
Target ng inspeksyon na madetermina kung ligtas bang gamitin ang gusali ng senado matapos ang pagyanig at kung kelan maaring ibalik sa normal ang pasok ng mga empleyado.
Statement of Senate OIC Senate President Pro Tempore Ralph Recto
I received reports that there are cracks in the building. Have instructed everyone to go home and only to report back to work when Osaa determines it is safe to do so. No work tom. Will wait for advice from Osaa when best to report back to work.