MANILA – Itinulak ni Vice Presidential Candidate Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano ang pederalismo bilang sistematikong sagot para maging matagumpay ang kapayapaan sa Mindanao.Sa vice presidential debate kahapon, Abril 10, sinabi ni Cayetano na ang pederalismo lang ang may kakayahang magbuklod sa lahat ng sektor.Aniya, ang hindi lang pumapayag dito ay ang mga nakikinabang sa sistema ngayon.Matatandaang noong Enero, tinutulan nina Senador Grace Poe at Francis “Chiz” Escudero ang panawagan nina Duterte at Cayetano para sa pederalismo.Anila, hindi ito kayang gawin sa Philippine setup.Maliban kay Cayetano, dumalo rin sina Senador Escudero, Senador Gringo Honasan, Senador Bong Bong Marcos, Camarines Sur Rep. Leni Robredo, at Senador Antonio Trillanes IV sa natatanging vice presidential debate na ginanap sa University of Santo Tomas sa Manila.
Senador Alan Peter Cayetano, Nag-Iisang Kandidato Na Nagsulong Ng Pederalismo Sa Vice Presidential Debate
Facebook Comments