MANILA – Umakyat na sa 16 percent si Vice Presidential Bet Senator Alan Peter Cayetano kung saan halos mag-abot na sila ni Liberal Party Vice Presidentiable Rep. Leni Robredo na napako na sa 19 percent.Base sa survey ng TNS Philippines noong March 18, nangunguna pa rin si Sen. Chiz Escudero na mayroong 29 percent habang si Sen. Bongbong Marcos ay bumaba na sa 23 percent.Kasabay ng naturang survey ang Pulse Asia Survey kung saan nag-number 1 na rin si Cayetano sa Mindanao na nakakuha ng 24 percent, pumangalawa si Escudero, 20 percent, kasunod ni Robredo, 19 percent at panghuli si Marcos, 18 percent.Sinabi ni UP Political Science Prof. Ranjit Rye na ang survey ay may malinaw na indikasyon na nasa apat pa din ang matibay na naglalaban sa pagka-bise presidente at gitgitan ang mga ito.Matatandaang ilang beses na pinakita ni Cayetano ang kakayahan niyang humabol at mag-surpresa sa mga eleksyon.Nung 2007 kahit na pinatakbo ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang isang Pepito Cayetano para ma-kontra ang pagtakbo ni Alan sa senado ay nanalo pa rin ito bilang pampito.
Senador Alan Peter Cayetano, Sumasabay Na Kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte Sa Pag-Arangkada Sa Survey
Facebook Comments