MANILA – Hiniling ng kampo ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na itigil ang unofficial count ng mga balota.Ayon kay Marcos, kaduda-duda ang biglang pagtaas ni Liberal Party Bet Leni Robredo at biglang pagbaba naman ng kanyang boto.Giit ni Marcos, may nangyaring kakaiba sa mga oras na natutulog ang mga pilipino.Dagdag pa ni Marcos, ito ay bahagi ng “plan B” ng LP na sinimulan nila sa survey bago pa ang eleksyon.Sa kabila nito, naniniwala si Marcos na siya pa rin ang mananalong bise presidente ng bansa.
Facebook Comments