Senador Cynthia Villar, bingi at manhid sa hinaing ng mga magsasaka ayon sa rice watch groups

Bingi, manhid, at walang paki-alam sa hinaing ng mga magsasaka.

Ito ang bwelta ng grupong Amihan National Federation of Peasant Women at Bantay Bigas laban kay Senador Cynthia Villar kasunod ng pahayag nito na wala siyang pagkakamali sa pagsusulong sa Rice Tariffication Law (RTL).

Sinabi ni Villar, na napunta naman kasi sa mga magsasaka ang ang kinita ng pamahalaan sa RTL.


Ayon kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estabillo, animo’y utang na loob pa ng mga magsasaka ang pagpasa sa naturang batas.

Nalugi at nabaon sa utang ang mga magsasaka simula nang maisabatas ito dahil umaabot sa P206 billion sa loob ng tatlong taon ang nawawala sa kanila dahil sa bagsak-presyo ng palay aytpagpasok ng murang imported na bigas.

Samantala, nananawagan naman ang grupong AMIHAN na i-repeal o bawiin na ang naturang batas upang bumalik ang kumpiyansa at hanap-buhay ng mga magsasaka.

Facebook Comments