Senador, dismayado sa mabagal na pagtugon ng gobyerno sa mental health problem ng bansa; bilang ng suicide related calls at suicide incidents, lalo pang tumaas

Dismayado si Senator Sherwin Gatchalian sa kawalan ng pagaksyon ng gobyerno sa lumalalang problema sa mental health sa bansa.

Sa pagdinig ng Senado, ipinakita ni Gatchalian ang tumataas na trend sa mental health problem lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Batay sa annual calls na natatanggap ng National Center for Mental Health (NCMH), aabot sa 712 ang suicide related calls na natanggap noong 2019, nag-quadruple pa ito noong 2020 na umabot sa 2,841 suicide related calls at tumaas pa sa 5,167 noong 2021.


Dumoble rin ang naitalang suicide mula sa 2,810 noong 2019 ay tumaas ito sa 4,400 noong 2020.

Bagamat ikinalulugod ay malungkot pa rin ang senador dahil ngayong taon pa lang magpapatupad ng outpatient financing program ang PhilHealth para sa mga nakakaranas ng mental health problem.

Iginiit ni Gatchalian na gawin dapat ng gobyerno ang lahat ng paraan para mabaligtad ang trend sa pagtaas ng mental health problem sa bansa kasabay ng pakiusap sa Department of Health (DOH) at PhilHealth na ipakita ang pangangalaga sa mga constituents.

Facebook Comments