Dating BuCor chief Gerald Bantag, nagpadala ng panibagong surrender feeler sa DOJ

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sa ikalawang pagkakataon ay nakatanggap siya ng panibagong surrender feeler mula kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Gayunman, sinabi ni Remulla na duda siya kung talagang seryosong susuko si Bantag.

Sinabi ni Remulla na ang unang surrender feeler noong Abril ay idinaan ni Bantag sa isang Cabinet official.


Habang ang ikalawang feeler ay idinaan sa kanyang kaibigan mula sa law enforcement noong siya ay nasa US kasama sa official trip ng Pangulong Bongbong Marcos.

Kabilang aniya sa kundisyon ni Bantag at dating deputy Ricardo Zulueta ay ang special arrangements sa kanilang detention.

Si Bantag ay nadadawit sa pagpatay kay radio commentator Percy Lapid at sa inmate na si Jun Villamor.

Facebook Comments