Manila, Philippines – Nangunguna pa rin si Senator Grace Poe sa pinakabagong senatorial survey ng Pulse Asia para sa May 13 midterm elections.
Sa survey na isinagawa noong January 26 hanggang 31, 2019, lumabas na 74.9 ng mga Pinoy ang iboboto si Poe bilang Senador.
Pumangalawa sa kanya ang kapwa reelectionist na si Senator Cynthia Villar habang tie sa ikatlo hanggang ika-anim na ranggo sina Pia Cayetano at Lito Lapid.
Nasa ikatlo hanggang ikapitong pwesto naman si Senator Nancy Binay; nasa ikatlo hanggang ika-siyam si Senator Sonny Angara at nasa pagitan ng 5th to 11th rank si Senator Koko Pimentel.
At sa kauna-unahang pagkakataon, nakapasok sa magic 12 ang pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Go na nasa ikaanim hanggang ikalabindalawang ranggo, kapantay si dating senador Jinggoy Estrada.
Nasa 7th to 14th rank naman si Mar Roxas; 7th to 15th rank si Imee Marcos at 8th to 15th rank si dating Senador Bong Revilla.
Kapwa nasa ika-sampu hanggang ika-labinlimang ranggo naman sina Senador Bam Aquino at Serge Osmeña habang nasa 11th to 16th rank si dating PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview.