Senador, hinikayat ang national electrification administration na i-take over na ang pamamahala sa Palawan Electric Cooperative

 

Umapela si Senator Sherwin Gatchalian sa National Electrification Administration (NEA) na kontrolin ang pamamahala sa Palawan Electric Cooperative (PALECO) bunsod na rin sa gitna ng palagiang brownout sa lalawigan.

Sa pinakahuling record ng NEA, lumilitaw na hindi compliant o hindi sumusunod ang PALECO sa reliability standards gayundin sa mga pamantayang itinakda ng Philippine Distribution Code.

Sinabi ni Gatchalian na kung hindi magampanan ng PALECO ang mandato nito na magsuplay ng sapat at abot-kayang kuryente sa Palawan, mas mainam na kunin na lamang ng NEA ang responsibilidad ng pagpapatakbo ng kuryente sa probinsya.


Iginiit ng senador na malaking dagok sa buhay ng ating mga kababayan sa Palawan ang palagiang brownout kaya’t dapat maglatag na ng pangmatagalang solusyon ang NEA at Department of Energy (DOE) sa lalong madaling panahon para sa kapakanan ng mga konsyumer.

Matatandaang noong Disyembre 2018, nag-take over na rin ang NEA sa pamamahala ng PALECO dahil sa madalas na brownout noong mga panahon na iyon.

Facebook Comments