Senado, hindi pa tapos ang laban sa pekeng People’s Initiative

 

Hindi pa tapos ang laban ng Senado para sa pekeng People’s Initiative (PI).

Ito ay kahit pa inihinto ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-aksyon sa mga proceedings na may kinalaman sa People’s Initiative.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi pa tuluyang natutuldukan ang People’s Initiative dahil suspended lang ang ginawa dito ng COMELEC at i-re-review ang mga rules ng komisyon hinggil dito.


Ang nais ng Senado ay desisyunan ng COMELEC ang naturang People’s Initiative na ito ay depekto, unconstitutional, at pinal na ibasura.

Magkagayunman, pinagaaralan na lamang ng Senado ang paghahain ng legal petitions sa COMELEC at hindi na sa Supreme Court.

Facebook Comments