Senador, hinimok ang mga LGUs na manindigan sa mga hindi magandang epekto ng POGO sa kanilang nasasakupan

Hinimok ni Ways and Means Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan na manindigan laban sa masamang epekto ng mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa kanilang lokalidad.

Ayon kay Gatchalian, may ilang Local Government Units (LGUs) na ginawang POGO hubs ang nagsisimula nang makita ang masamang implikasyon ng pagpayag na magsagawa ng operasyon sa kanilang mga lugar katulad na lamang sa Manila, Pasay at Paranaque.

Paliwanag ng senador, sa oras na may mangyaring krimen sa isang lugar, ito ay sagutin at responsibilidad na ng alkalde at ng chief-of-police kaya naman ito ay nagiging isang local issue at nagiging problema rin ng komunidad.


Sa halip na mga POGO na dulot ay krimen sa lipunan, mas pagsumikapan aniya ng mga LGUs ang isang payapa at maayos na komunidad nang sa gayon ay mas mahihikayat natin ang mga kaibigan at mga turista sa abroad na bisitahin ang mga lugar sa bansa.

Aniya, kung mababasa ng mga nasa ibang bansa ang mga ulat na may ilang tao na iligal na ikinukulong at dinudukot dito sa atin ay hindi na pupunta ang mga bisita sa Pilipinas.

Hirit ni Gatchalian, hindi dapat mga investors na krimen ang dala ang pinapapasok sa bansa dahil mistulan tayong kumakapit sa patalim.

Aniya pa, may mga lehitimong investors na makakapagbigay ng dagdag na capital investments at dagdag na trabaho hindi katulad sa mga POGO na hindi naman pinahahalagahan ang ating mga kababayan dahil 90 percent ng mga empleyado rito ay dayuhan habang 10 percent lang ang mga Pilipino.

Facebook Comments