Halos 4,000 bakateng trabaho, inaalok sa ikinakasang job fair ng JobQuestPH katuwang ang DZXL Radyo Trabaho

Umaabot sa halos 4,000 na bakanteng trabaho ang inaalok sa ikinasang face-to-face job fair ng JobQuestPH katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Ginaganap ito sa South Park Center sa Muntinlupa city na nagsimula ng alas-10:00 ng umaga at magtatapos ng alad-6:00 ng gabi.

Ayon kay Danniel Comprado ng JobQuestPH, nasa 24 na kumpaniya ang kanilang inimbitahan sa nasabing job fair na kanilang sinimulan mula pa kahapon para sa mga naghahanap o nawalan ng trabaho.


Aniya, maaaring magtungo sa face-to-face job fair ang mga walk-in kung saan nagsagawa rin sila ng pre-registration via online.

Nabatid na nagpa-rehistro o pwedeng magparehistro sa website o app na jobquest.ph para mabilis ang proseso ng pagpapalista.

Ilan sa mga trabahong iniaaalok sa job fair ay Sales Crew, Service Crew, Office Staff, Maintenance, Warehouse Staff, Call Center Agent at marami pang iba.

Facebook Comments