Kinalampag ni Senator Bam Aquino ang pamahalaan na i-activate na agad ang fuel subsidies para sa transport sectors sa gitna ng pagtaas ng global oil prices bunsod ng banta ng posibleng pagtindi ng tensyon sa Middle East.

Iginiit ni Aquino na batid naman na ang mga jeepney drivers, tricycle drivers at PUV drivers ang lubhang apektado ng pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang fuel subsidy ay magbibigay proteksyon sa kita ng milyon-milyong drivers mula sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Punto pa ng senador, ito rin aniya ang dahilan kung kaya’t nananawagan siya na mabigyan ng tulong ang mga transport drivers at transport workers dahil nagawa ito noong pandemya.

Samantala, pinalalakas din ni Aquino ang mga hakbang laban sa korapsyon upang madagdagan ang pondo ng gobyerno para sa serbisyo at para mapunan ang posibleng kawalan ng kita kung isususpinde ang excise tax sa produktong petrolyo.

Facebook Comments