Senador, iginiit na hindi “snap election” ang solusyon para maibalik ang tiwala ng taumbayan

Iginiit ni Senate President Pro-Tempore Ping Lacson na hindi ang “snap election” ang susi para maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Sa gitna na rin ito ng panawagan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng elected officials magmula sa Pangulo hanggang sa kongresista at ang pagsasagawa ng snap election.

Sinabi ni Lacson na katunayan ay mas lalo pang makadaragdag sa isyu ng korapsyon ang election campaigns dahil posibleng bumili ng boto ang mga kandidato gamit ang buwis ng taumbayan.

Kung may makakapagpabalik ng tiwala ng publiko sa pamahalaan, ito aniya ay ang katiyakang mapaparusahan at agad na mapapanagot ang mga taga-gobyerno na nasa likod ng maanomalyang flood control projects.

Dagdag pa ng senador, kung mas mataas na parusa laban sa mga tiwaling opisyal ay mas mainam para sa pagbabalik ng kumpiyansa ng mamamayan sa pamahalaan.

Facebook Comments