Pagbibitiw ng mga opisyal na sangkot sa maanomalyang flood control projects, hindi sapat ayon kay PBBM

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi sapat ang simpleng pagbibitiw ng mga opisyal na dawit sa anomalya sa flood control projects para makaligtas sa pananagutan.

Ayon sa Pangulo, hindi dapat palampasin ang ganitong uri ng katiwalian dahil malaki ang pinsalang idinulot nito sa ekonomiya at sa buhay ng mga Pilipino.

Halimbawa aniya nito ang mga palpak na imprastruktura na bumagsak sa gitna ng kalamidad at nagdulot ng pagkamatay ng mga sibilyan.

Dagdag pa ng Pangulo, walang mangyayari sa Pilipinas kung patuloy na tatanggapin ng mga lider na wala na silang magagawa para sa bansa.

Tiniyak din ng Pangulo na itutulak niya ang mga reporma at pagsulong ng mga programa na direktang makikinabang ang mamamayan.

Facebook Comments