Senador, iginiit na may pananagutan sa malawakang power outage sa Panay Island ang gobyerno, NGCP at power plant

Iginiit ni Senator Chiz Escudero na mayroong responsibilidad at pananagutan ang pamahalaan, ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at ang mga power plants sa nangyaring apat na araw na malawakang blackout sa Panay Island.

Sinabi ng senador na sa ngayon aniya ay dapat maging mahinahon sa paghahanap ng accountability sa mga mapatutunayang nasa likod ng ilang araw na blackout sa Western Visayas at ang pinakamahalaga ay hanapan ng solusyon ang problema upang hindi na maulit pa ang kaparehong sitwasyon.

Kung si Escudero ang tatanungin, hind lamang ang NGCP kundi damay rin sa pananagutan sa nangyaring power outage sa rehiyon ang gobyerno at ang power plants.


Aniya, may pananagutan ang NGCP dahil sa mga delayed na proyekto na siyang titiyak sana sa matatag na suplay ng kuryente.

Hindi rin lusot sa pananagutan ang pamahalaan dahil bigo ito na mabantayan, mapangasiwaan at maparusahan ang mga pagpapabaya ng mga power plants at ang NGCP na isang oligopoly at monopoly.

Facebook Comments