Wednesday, March 18, 2026

Senador, inirekomenda ang mas pinaikling panahon para sa agarang pagpapasuspindi o pagbawas ng excise tax sa langis

Iminungkahi ni Senate President Pro-tempore Ping Lacson na paikliin ang panahon para sa pangulo para sa pagdedesisyon na suspendihin o ibalik ang excise tax sa petrolyo.

Sa interpelasyon ni Lacson kay Senator Pia Cayetano na sponsor ng Senate Bill 1982, inirekomenda ng senador na mula sa isang buwan na panahon na nasa average price ang Dubai crude oil base sa Mean of Platts Singapore (MOPS), ay pinaiiklian niya ito sa dalawang linggo na lamang bago suspindihin o bawasan ang excise tax sa langis.

Giit ni Lacson, malaki ang epekto sa mga consumers ng matitipid na gas sa loob ng dalawang linggo.

Kung matagal ang hihintayin bago magdesisyon ang pangulo ay maaaring sumirit hanggang $200 per barrel ang petrolyo lalo’t maituturing na pambihira ang panahon ngayon.

Hindi aniya siya magbibigay ng suhestyon kung walang Iran War at kung naiba lang ang sitwasyon.

Maaari rin aniyang magamit ang dalawang linggong palugit para maibalik ang excise tax upang sa gayon hindi masyadong malaki ang mawalang kita sa pamahalaan.

Facebook Comments