Senador, inirekomenda na magdasal na lang sa panibagong “swarming” ng mga Chinese militia vessel sa West Philippine Sea

Wala nang ibang mairekomenda na paraan si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa problema ng bansa sa China kundi ang magdasal na lamang na huwag tayong pabayaan ng Diyos.

Ang reaksyon ng senador ay kasunod na rin ng panibagong napaulat na swarming o tila pagkuyog ng mga Chinese maritime militia sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo natin sa West Philippine Sea.

Aminado si Dela Rosa na tila nababalewala ang napakaraming diplomatic protest ng bansa dahil hindi naman nakikinig ang mga Chinese.


Ang hirap aniya nito dahil hindi naman maaaring makipag-giyera ang bansa sa China lahat ng diplomatic protest ng bansa ay hindi naman napakikinggan.

Hiling na lang ni Dela Rosa sa mga Pilipino ay magdasal na lamang sa Diyos at hilingin na huwag pabayaan ang bansa sa mga ginagawa ng China sa atin.

Aabot sa 135 Chinese militia vessel ang nakakalat at nakapalibot sa Julian Felipe Reef batay na rin sa ulat ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments