Saturday, April 11, 2026

Senador, kinalampag ang gobyerno sa mabilis na pag-aksyon para sa mga magsasaka at mga mangingisda ngayong may krisis

Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamahalaan sa mabilisang pagaksyon para matulungan ang mga magsasaka at mga mangingisda lalo ngayon na nagdadalawang-isip na sila sa pagpapatuloy ng kanilang hanapbuhay sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Iginiit ni Go na kahit malugi ang gobyerno ay dapat na matulungan kaagad ang mga magsasaka at mga mangingisda dahil banta sa problemang ito ang pagbagsak ng produksyon at pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Iminungkahi ng senador na gamitin muna ang “excess funds” ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng krisis sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Paalala ng mambabatas na mahalaga ang kontribusyon ng mga magsasaka at mga mangingisda sa food security ng bansa at dapat ng tugunan ng pamahalaan ang kanilang pangangailangan kahit ikalugi pa ito.

Nakatakda namang maghain ng panukalang batas si Go kaugnay sa lumalalang krisis sa bansa.

Facebook Comments