Muling iginiit ni Senador Koko Pimentael na hindi siya papayag na may ibang grupong manaig sa itinayong partido ng kaniyang ama na si dating Senador Nene Pimentel kasama sina dating Senador Benigno Aquino at Lorenzo Tañada.
Sa isinasagawang 11th National Assembly ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), sinabi ni Pimentel na lalaban sila sa mga nais manira at tuluyang sakupin ang kanilang partido.
Aniya, hindi dapat mamuno sa partido ang isang sakim at swapang sa kapangyarihan.
Dagdag niya, hindi siya papayag na tuluyan silang paalisin at tanggalan ng posisyon sa kanilang partido ng mga tinawag niyang “highjackers”.
“We will formally fight back against the highjackers! We will formally declare as correct what we are doing all along. Ignoring them but resisting them, lalaban po tayo,” ani Pimentel.
“Kung ang PDP-Laban ay maitutulad natin sa isang sasakyan, meron pong nakasakay sa ating sasakyan na ngayon ay tayo na ang pinapaalis o pinalapalabas… napakasakin at swapang naman nila. Hindi po natin papayagan ang pag-highjack ng ating partido,” dagdag niya.
Samantala, ngayong araw din, nakatakdang ianunsyo kung sino ang magiging pambato ng PDP-Laban para sa presidential elections sa Mayo 2022.