
Tiwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na kakayanin ni Vice President Sara Duterte ang hamon ng impeachment complaint.
Naniniwala si Dela Rosa na kumpiyansa naman si VP Sara na sa kanyang sitwasyon ay kayang-kaya niyang malusutan ang impeachment laban sa kanya.
Dahil malalagpasan din ito ng bise presidente, maaaring hindi na rin ito pinaghahandaan ni Duterte.
Naunang sinabi ni Dela Rosa na nakahanda siyang tumayong hukom sa impeachment court oras na iakyat na sa Senado ang impeachment case laban kay Duterte.
Tiniyak din ng senador ang pagiging patas na kahit kaalyado siya sa Mataas na Kapulungan ng bise presidente ay babasahin at aaralin niya ang kaso bago magbigay ng kanyang boto.
Facebook Comments









