Senador, may payo sa mga awtoridad na nag-iimbestiga sa MSU bombing

Pinayuhan ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang mga awtoridad na sundin ang mga ebidensya sa ginagawa ngayong imbestigasyon patungkol sa pambobomba sa Marawi partikular sa Marawi State University (MSU).

Hinikayat ni Pimentel ang Philippine National Police (PNP), ang ibang law enforcement agencies at ang buong gobyerno na magsagawa ng mabilis pero mabusising pagsisiyasat sa MSU bombing.

Hiniling ng senador sa mga awtoridad na sundin kung ano ang itinuturo ng ebidensya at sampahan agad ng kaso sakaling mapatunayang ang mga suspek talaga ang salarin sa pag-atake.


Paalala ni Pimentel sa mga law enforcer na ang mga kinilalang suspek sa MSU bombing ay inosente pang maituturing hanggang sa mapatunayang guilty nga ang mga ito.

Dagdag pa sa paalala na kilalanin at igalang din ang karapatan ng mga pinaghihinalaang nasa likod ng krimen hangga’t hindi pa lumalabas ang katotohanan.

Matatandaang naaresto na ng pinagsanib na pwersa ng mga militar at pulis ang isa sa mga suspek sa pagsabog sa Marawi na kinilalang si Jafar Gamo Sultan na tumatayong kasabwat ng nagdala ng bomba sa gymnasium ng MSU.

Facebook Comments