Senador, nagbanta sa posibleng pag-collapse ng security at defense kapag itinuloy ang reporma sa MUP pension system

Nagbabala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa, posibleng mauwi sa ‘security at defense collapse’ ang isinusulong na reporma sa Military and Uniformed Personnel (MUP).

Kaugnay na rin ito sa balak ng Department of Finance (DOF) na hingian ng 5% hanggang 9% na kontribusyon sa kanilang mga sahod ang mga MUP para sa kanilang retirement pay.

Ayon kay Dela Rosa, maraming mga pulis at sundalo ang nagpapadala ng mensahe sa kanya para maglabas ng hinaing patungkol sa reporma sa MUP pension.


Katunayan aniya, marami na sa mga MUP ang naghahanda na sa kanilang early retirement para hindi na maapektuhan ng naturang reporma sa pensyon.

Punto ni Dela Rosa, kung masolusyunan man ng reporma sa MUP pension system ang pagbagsak ng pananalapi sa bansa ang sunod namang magiging malaking problema ang pagbagsak ng seguridad at depensa ng bansa sakaling magkaroon ng ‘mass exodus’ ng mga sundalo o pulis na nagbabalak na magretiro ng maaga.

Kailangan aniyang ikunsidera ang magiging epekto sa bansa ng reinforcement collapse kung halos lahat o karamihan ng mga MUP ay magsisialisan.

Facebook Comments