DOJ, nagpalabas ng ₱3-M na pabuya para mahuli sina Bantag at Zulueta

Nagpalabas na ng pabuya ang Department of Justice (DOJ) para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nina dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag at Ex-Deputy Officer na si Ricardo Zulueta.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dalawang milyong pisong reward ang ibibigay sa sinumang makapagtuturo kay Bantag habang isang milyong piso naman na reward money para kay Zulueta.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at middleman na si Cristito “Jun Villamor” Palaña.


Pinaliwanag ng kalihim na kailangang matuloy na ang paglilitis sa kaso bago sumapit ang isang taon na pagkapaslang kay Lapid.

Facebook Comments