Senador, nakiusap sa mga negosyo na huwag sobra ang pagtataas sa presyo ngayong Christmas season

Nanawagan si Senator Francis Tolentino sa mga negosyo na huwag masyadong taasan ang presyo ng mga produkto ngayong pumasok na ang Christmas season.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng accounting firm na PwC Philippines na isa sa posibleng ilatag na mitigating measures ng mga kumpanya para maibsan ang epekto ng napakataas na inflation ay gawing mataas ang presyo ng mga ibinebentang produkto.

Hinihimok ni Tolentino ang mga negosyo na magkaroon ng konsiderasyon sa mga mamimili sa pamamagitan ng hindi pagpapataw ng sobrang mataas na presyo sa kanilang mga ibinebentang produkto.


Hiniling ng senador na isaalang-alang ng mga kompanya at negosyo ang kanilang social responsibility.

Pakiusap ni Tolentino, huwag masyadong mataas ang presyo upang hindi mahirapan at makapagdiwang ng masagana ang mga kababayan ngayong papasok ang kapaskuhan.

Facebook Comments