
Hiniling ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang suporta ng mga kapwa parliamentarians para sa laban ng Pilipinas na makuha ang pwesto sa United Nations Security Council (UNSC) para sa 2027-2028 term.
Inihayag ito ni Estrada sa kaniyang pag-preside sa ASEAN+3 meeting na ang Pilipinas bilang unang Asyanong bansa na founding member ng United Nations ay patuloy na itinataguyod ang rule of law, kapayapaan at pagkakapantay-pantay ng lahat ng nasyon.
Sinabi rin ng senador na isang katuwang na mapagkakatiwalaan ang Pilipinas at dedicated peacemaker at handang makipag-ugnayan sa mga international community para talakayin ang mga hamon sa mundo.
Dagdag pa ni Estrada, bilang ang bansa ay isang developing country, maaaari itong magsilbing halimbawa sa ibang mas maliliit na bansa tungo sa mapayapang pagresolba ng mga external conflicts, pakikiisa sa mga peacebuilding initiatives, diplomatic efforts at multilateral cooperation na magpapahusay sa katatagan ng rehiyon at tutugon sa mga geopolitical challenges.
Binigyang-diin pa ng mambabatas na ang candidacy ng Pilipinas ay nakaangkla sa matagal na adbokasiya sa pagtalima sa international law at ang ating kagustuhan na magsilbi sa UNSC ay bunsod ng pagnanais na makapag-ambag sa pagsusulong ng kapayapaan, katarungan at multilateral cooperation ng mga kasaping bansa.