
Pinatitiyak ni Senator Sherwin Gatchalian na walang botante sa Negros Island ang hindi makakaboto dahil sa epekto ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Bunsod nito ay pinaglalatag ni Gatchalian ang Commission on Elections (COMELEC) ng contingency plan dahil matapos ang pagsabog ng bulkan ay mahalagang matiyak na ang papalapit na midterm elections ay maisasakatuparan sa kabila ng mga hamon ng sitwasyon.
Partikular dito ang isang well-developed at feasible na contingency plan na pagtutulungang ilatag ng mga local government units (LGUs) at kaukulang ahensiya ng gobyerno sa mga apektadong lugar.
Sinabi ng senador na mahalagang maitalaga ang plano upang matiyak na ang mga polling places ay kumpleto sa kagamitan at resources para sa maayos na operasyon ng pagboto.
Iginiit pa ng mambabatas, bawat Pilipino ay dapat ligtas at may boses sa halalan kahit pa sa gitna ng mga ganitong sakuna.