Senador, nanawagan sa private sector na tumulong sa pagbuo ng IRR ng Tatak Pinoy Act

Nanawagan si Senator Sonny Angara sa pribadong sektor na makiisa sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) para sa implementasyon ng Republic Act 11981 o ang Tatak Pinoy (Proudly Filipino) Act.

Naniniwala si Angara na malaki ang papel ng private sector para matupad ang layunin ng batas na maging competitive ang industriyang Pinoy.

Hinihikayat ng senador ang pribadong sektor na makilahok sa proseso ng pagbuo ng IRR dahil sila naman ang magiging pangunahing benepisyaryo ng batas.


Sinabi pa ni Angara na nagsimula nang kumilos ang Tatak Pinoy Council (TPC) sa pagbuo ng IRR ng Tatak Pinoy Act at nakahanda na rin ang estratehiyang gagamitin para sa pagpapalakas ng kakayahan ng batas upang makilala at maging competitive ang mga gawang Pinoy.

Sa ilalim din aniya ng batas ay pagiisahin na ang mga polisiya para maging ganap na ang industrialization at gagamit na rin ng whole-of-government at whole-of-country approach para mabilis na matupad ang layunin ng batas.

Facebook Comments