Wednesday, March 18, 2026

Senador, nangangamba na posibleng hindi pa rin bumaba ang presyo ng petrolyo kahit bawasan ang excise tax

Nababahala si Senator Imee Marcos na posibleng hindi bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa kahit pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax.

Duda ang senadora kung talagang mararamdaman ang pagbaba ng presyo ng petrolyo kapag ipinatupad ito.

Ayon kay Marcos, ang lubos na makikinabang sa hakbang ay ang mga importer dahil sila ang nagbabayad ng buwis, at posibleng hindi ipasa ng mga korporasyon ang diskwento sa publiko.

Dagdag pa niya, malaki ang mawawalang kita sa gobyerno, kaya’t tanong niya kung saan kukunin ang pondo para sa ayuda kapag nabawasan ang koleksyon.

Muling iginiit ng senadora na mas mainam na value-added tax na lamang ang suspindihin upang direktang maramdaman ng publiko ang epekto ng pagbaba ng presyo ng gasolina, LPG at iba pang produktong petrolyo.

Facebook Comments