
Tiwala si Senator Bong Go na sa huli ay mananaig ang katotohanan at katarungan para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kaugnay ng desisyon ng International Criminal Court (ICC) na hindi pagbigyan ang kahilingan para sa interim release ng dating Pangulo.
Gayunman, sinabi ni Go na iginagalang nila ang pasya ng ICC at nananatili ang kanilang tiwala sa buong proseso.
Hinimok din niya ang mga tagasuporta ni FPRRD na manatiling kalmado, magpakatatag, at umiwas sa anumang makapagdudulot ng pagkakawatak-watak.
Binigyang-diin ng senador na ang ganitong legal proceedings ay dapat na hinahayaang umusad nang walang nagiging sanhi ng dibisyon, lalo’t ang katatagan ng bansa at integridad ng mga institusyon ay matagal na ipinaglaban at prinotektahan ng dating Pangulo.









