Senador Pacquiao hinarana sa ika-39 taon nitong kaarawan

General Santos City- Hinarana ang Pambansang Kamao at Senador Manny “Pacman” Pacquiao ng kanyang mga kaibigan, ka-partido sa pulitika sa ika 39 taon nitong kaarawan ngayong araw sa kanyang mansion sa may Barangay City Heights Gensan, alas-4 ng madaling araw.

Nanguna sa harana ang mga ka-partido nito sa Sarangani Province na sina Gobernador Steve Chiongbian-Solon, Vice Governor Elmer De Peralta, at iba pa.

Hinandugan ng awitin ang People Champ, at isinagawa naman ang isang tradisyunal na pagbubuhat at pagtatapon sa swimming pool na kasapi ng PNPA, sa pangunguna ni Police Supt. Ruel Berango, ang City Director ng Gensanm at kasapi ng PNPA ‘PATNUBAY’ Class 1995 kung saan kasapi si Pacquaio.


Mamayang gabi naman isasagawa ang birthday party ng senador sa KCC Mall og Gensan kung saan dadaluhan ng mga kilalang mga bisita, lalong-lalo na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments