Senador Panfilo Lacson, pabor na tumestigo ang mga ‘ninja cops’ sa gagawing pagdinig ng Senado sa Martes

Ibubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng mga “ninja cops” pagbalik nito ng bansa mula sa kanyang pagbisita sa Russia.

Ito ang kinumpirma ni Senator Bong Go base sa naging pag-uusap nila ng Pangulo.

May kaunti ring ipinasilip sa kanya ang Pangulo pero makabubuti aniyang hintayin na lang ang anunsyo ng punong ehekutibo.


Ba-biyahe si Pangulong Duterte sa Russia sa October 1 hanggang 5 para makipagpulong kay President Vladimir Putin.

Samantala, inaasahan din ni Senator Richard Gordon na ibubulgar din sa pagdinig ng dating police top official at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pangalan ng mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng shabu.

Si Magalong ay isa sa mga isinasangkot sa naturang kontrobersya.

Inaasahang maghaharap sa susunod na pagdinig ng Senado si Magalong at si PNP Chief Oscar Albayalde na kabilang din sa mga idinadawit sa isyu.

Facebook Comments