Saturday, January 31, 2026

Senador, pinaalalahan ang mga health authorities at publiko sa kahalagahan ng maagap na paghahanda sa sakit na Nipah virus

Nagpaalala si Senator Christopher “Bong” Go sa mga health officials at sa publiko tungkol sa kahalagahan ng maagap na paghahanda sa napaulat na Nipah virus sa India.

Kamakailan ay nagpatupad na ng paghihigpit sa health screenings sa mga bisitang mula sa apektadong bansa ang Thailand, Nepal, Taiwan, at Hong Kong dahil sa sakit.

Gayunman, binigyang-diin ni Go, Vice Chairman ng Committee on Health, na walang dahilan upang mag-panic subalit dapat mailatag ang preventive measures na siyang pinaka epektibong dimepensa laban sa anumang public health threat.

Umapela si Go sa mga airport authorities, seaports, at iba pang points of entry na palakasin ang kanilang health screening at biosecurity measures katuwang ang Department of Health.

Dagdag pa ng mambabatas na marami nang natutunan ang bansa mula sa kinaharap na COVID-19 pandemic at dapat itong ipatupad sa panibagong banta ng sakit.

Facebook Comments