Senador, pinaalalahanan ang gobyerno bilang tagalutas ng problema ng bansa

Pinaalalahanan ni Senator Alan Peter Cayetano ang mga stakeholders na kasamang tumutulong para sa transition ng bansa sa e-governance na ang pamahalaan ay naririyan bilang tagalutas ng problema.

Ito ang pahayag ng senador sa gitna ng pagdinig ng Senado sa mga panukala hinggil sa e-governance at sa kasalukuyang sitwasyon ng internet connectivity ng bansa.

Ayon kay Cayetano, kapag nasa gobyerno ay dapat palaging nag-aabang ng mga problema na dapat solusyunan.


Inihalimbawa ni Cayetano ang pagkakataon noong siya pa ang namumuno sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan pinaalalahanan niya ang mga empleyado na kung may problema ay huwag ma-‘low morale’ at hindi pwede na-i-stress agad.

Aniya pa, kung ganito lang din ang attitude o asal ng isang kawani ay hindi dapat sa gobyerno magtrabaho dahil sila ay nariyan bilang mga ‘problem solvers’.

Dagdag pa ng senador, asahan na ng mga nasa gobyerno na bahagi ng serbisyong publiko ang pagharap sa mga problema at ang paglutas ng mga ito.

Facebook Comments