Senador, pinaglalatag ang pamahalaan ng “comprehensive solution” para sa mga problema sa mga paliparan

Umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa Department of Transportation (DOTr) at sa iba pang kaukulang ahensya na maglatag ng komprehensibong solusyon para matugunan ang ‘congestion issues’ o pagsisikip dahil sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan.

Ginawa ng senador ang apela bunsod na rin ng pagdagsa ng mga biyahero sa mga airports ngayong Holy Week at summer vacation.

Aminado si Go na kahit maganda na ang mga bagong airport at seaport, hindi naman perpekto ang ating international airport partikular ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan kinakailangan nang maresolba sa lalong madaling panahon ang problema sa congestion.


Pinayuhan naman ni Go ang mga pasahero na dumating ng mas maaga sa airport bago ang nakatakdang oras ng flight upang maiwasan ang abala o delay na maaaring mangyari sa pag-check in at security process.

 

Facebook Comments